Wedding

06232019

Every Couples Dream 😀

lahat nalang naman siguro tayo na ngangarap ng ganito. nitong linggo nagpunta kami ni boyfie sa kasal ng kanya pinsan.

Naisip ko anu kya pakiramdam ng kinakasal 😀 hihi syempre ako tinatanong ko kay boyfie kung kelan ba kami 😀 . napakahiwaga ng mga sandali iyon siguro yung nasa harapan ka ng altar. kung ako tatanungin hindi ko maipapaliwanag nararamdaman kapag ako andun.

Syempre hindi lang yung sandali ang maganda ganon rin kung san ito gaganapin. ito ay simbahan sa probinsya ng Pampanga, bayan ng Floridablanca 😀 sabi ni boyfie itong lugar nato kasama sa kasaysayan ng bansa natin. Syempre pagkatapos ng kasal sa simbahan san naba ang susunod 😀 hmmmm…

Kainan na maganda Lugar rin ang reception , syempre masarap rin ang pagkaen 😀

Tandan natin kahit hindi ko pa man nararanasan sa pagpapakasal at gusto ko kapag naranasan ko yun isa beses lang at sa pinakamamahal ko lalaki yun 😀 . ang sabi nga ng matatanda, ang pagpapakasal ay hindi biro na parang ” kanin kapg napaso ay iluluwa”.

Review

Wala naman malaking ganap sa araw ko ngayon maliban sa pagRereview dahil magkakaroon tayo nga Long Quiz @_@

Aminin ko na sainyo hirap talaga ako sa MATH. kayo ba? kung hindi paturo naman hihi 🙂

Dahil hirap ako ngayon kinakailangan magsikap pa magEffort ba para hindi bumasagsak. hindi dahil nahihirapan ka wala ka na gagawin. tayo ay mag aral ng mabuti 🙂

isang RealTalk lang mga classmate. kung nasasabi natin na bakit ba natin kinakailangan pagaralan ang MATH eh hindi naman gagamitin kapag nakagraduate na o sa araw araw na buhay un ang isa malaki kamalian. dahil bawat galaw o kilos natin meron MATH

Physical Education

Aralin pang Palakasan o mas kilala bilang PE. ito ay isa, saking paborito aralin. naglalayon ang aralin ito na palakasin ang ang katawan. nasasakupan rin ng PE ang Sport, dahil hilig ang sport kaya ko ito nagustohan.

ikaw ba mahilig ka rin ba sa sport? anung klase ng sport ang nagustuhan mo?

Isa sa mga papular na Sport dito sa atin ang Basketball, Volleyball, BaseBall o Softball, Badminton at ang sariling atin Sepak takraw.

Nung araw ang aking Sport ay Swiming at Volleyball. naging masaya ang aking karanasan sa paglalaro sa laranagn iyon.

tandaan natin mahalaga at maganda para sa ating katawan ang pagkakaroon ng kahit kunti laro pang palakasan, hindi yung lagi nalang mga Cellphone at Computer ang ating kaharap. Kahit papanu naman pagpawisan tayo 🙂

Earth Quake 101

06202019

Earthquake o Lindol sa tagalog alam na naman natin kung ano klase sakuna ang lindol. hinidi biro pangyayari ito tuald dito sa sa atin sa pilipinas tayo ay nasa Ring of Fire na ang ibig sabihin ay napapalibutan ng mga bulkan na sumasabog. kung ito ay sasabog isa ang lindol sa mgiging sakuna ng ating bansa. kung mamalas malasin pa maari tayo bansa Atlantis lulubog ang pilipinas.

isa nakakabahala ay ang laguna ay na fault-line ito isa biyak sa lupa kung saan kapag dumanas ng pag galaw sa ilalim ng lupa o maari lindol maari lumubog o kainin ng lupa ang laguna.

kaya ang pamahalaan at mga tao ay dapat maghanda kya nkakaroon tayo sa mga paaralan ng eathquake drill.

ano nga ba ang earthquake drill ito ang pagahasa sa kasanayan ng mga tao pagdumating ang sakuna lindol o sitwasyong lindol upang makaligtas ang nakakarami.

ano ano nga ba ang mga simple gawain sa oras ng lindol. Ayun sa aking boyfie na ERP (Emergency responded party) sa kanya companya. ang pinakasimple ay ang DROP-COVER-HOLD o isa yung kinakailangan mu dumapa sa sahig ilagay ang iyong kamay sa ulo upang maprotektahan ito sa mga bagay na mahuhulog at mghanap ng matataguan tulad ng mga mesa. mula dito maghihintay na ng mga reresponde mga tao.

Jose

06192019

June 19, 2019 ito ay kaarawang ang ating Bayani na si jose rizal. dahil kaarawan niya walang pasok ang buo laguna or Special Holiday baga.

Syempre wala pasok, Pahinga ba kamo? Yes Salamat pero wag nalang. dahil ang dami ko dapat taposen kaya ang lola mu ay walang pahinga.

Narian ang paghahanda ng mga papel para sa survey. ang power point presentation sa science at interview sa business mangement.

pero kahit happy parin bakit? ang aking boyfie ay ng Holiday rin 🙂 nangako saya sakin na hindi saya papasok sa trabaho niya 🙂 lakas ko :), dahil dun pinagluto niya ako at inasikaso 🙂

saya daw ay isa sue chief ni chief ramsy 🙂 kaya ayan meron pa ganyan pakulo sa pag luluto ng hash brown 🙂

Excel 101

06182019

Paguusapan naman natin ang MS Excel tulad ng MS Word gingawa rin sila ng companya Microsoft. ang MS Excel o Excel nakatuon ang program na ito sa cocompute or malaman ito ang magiging bestfriend natin sa hinaharap sa ang ating larangan ito ang ating gagamitin.

ito ang mga function na maari natin gamitin sa Excel

Sum or =Sum(range of cell).

count or =Count(range of cell).

Average or =Average(range of cell).

Min and Max or = Min(range of cell) at Max(range of cell).

Maari ka rin dito magSort or Filter. Ops! Filtration o pagsasala hindi yung sa picture ah. at madami pa iba mga function.

yaan na muna sa ngayon marami dami function at dame dito komplekado na.

Microsoft Word101


Gaano nga ba kagamitin ang Microsoft Word?, eh anu nga ba ang Microsoft word o MS Word.

Ayun kay Pare Wikipedia “Microsoft Word or simply as Word is a word processor developed of microsoft”. so kaya saya tinatwag na MS word kasi ginawa siya ng companya Microsoft. ito ay isa program kung saan nkatuon sa pagtulong sa pag gawa ng mga salita, pangungusap, talata at iba pa. isa sa halimbawa na magawa gamit ito ay gumawa ng isa Resume

Resume? Para sakin isa maganda Pag aralan ang MS Word sa pag gawa ng Resume. dahil sa hinarap magamit natin ito kapag tayo ay nghahanap ng trabaho. tulad ko dati na ako nagtrabaho. ibabahagi ko sainyo ang aking mga nalalaman sa pag gamit ng MS word.

kung makikita ninyo sa larawan pinakakita nito ang Ribbon. ang ribbon ang isa parte ng MS Word. ang Ribbon ang ngsisilbi ikon para magamit natin ang mga function ng MS Word sa paglikha ng tama salita, gramarya at talata.

Font – sa ribbon ito maari mu palitan ang uri ng pagkakasulat ng mga salita, Tulad ng Calibri, Times New Roman, Verdana at iba pa. Font style ang tawag sa mga iyon para na Penmanship. maari rin gamint ang BOLD, Italic at Underline., ganoon rin sa pag bago ng sukat ng mga lettra at hulay nito.

Paragraph – isa sa ribbon nag-aayos nga talata at gramarya.

Insert – dito sa ribbon natuon sa pagpasok tulad ng paglalagay ng larawan, tables, chart, mga hugis at ganon rin sa Matimatikan na ekuwasyon.

Page Setup – dito sa ribbon natuon sa pagkakaayus ng mga pahina ng isa yung isinulat. Pag aayus ng Margin, Sukat ng papel na gagamitin, paglalagay ng pahina, indent at spacing.

ayan ang isa halimbawa ng File sa MS Word kung saan gumawa ako ng aking Resume. pasensya na hindi yan pinakabago. kaya kung makikita ninyo ang larawan ko bata bata pa ang lola mo 🙂

Fathers Day X Uniform

06-16-19

Wala na intro intro .. Happy FATHERS DAY! na agad 🙂

Tatay, Daddy, Papa, Itay, dada, Erpat iba iba man ang tawag natin sakanya isa saya sa una minahal mo lalaki mapababae o lalaki ka man, siya rin ang una lalaking nagmahal sayo, siya rin yung una matapang na lalaki na handa ka ipagtanggol kahit kanino pa man. kudos! saludo kami lahat sainyo sa mga haligi ng tahanan.

Dahil Father ngayon naghanda ang aking chubbs ng kunti pagsalo salo sakanila bahay kasama ang kanya pamilya, symepre ako rin kasama 🙂 kainan eh. Gumawa siya ng GRILLED LIEMPO, Panis ang andok’s, baliwag at Chooks sa liempo (syempre supportive GF).

Sawakas na tapos na rin .. Hindi na tayo nakaCivilian ngayon sapagkat natapos na po ang aking Pinatahi uniform. so Bukas Kita Kita guys

The Interview

06-15-19

Bakit ba tayo nasa paaralan? bakit tayo nag-aaral?

Isa na siguro sa mga dahilan natin ay para maging matagumpay sa buhay natin. hindi rin mawawala dito yung tipo magkakaroon ka hinahangaan, tutularan o magiging halimbawa na matagumpay na tao sa larangan atinng napili.

Sa tulad ko isang magaaral sa ilalim ng strand course na ABM. isang maganda pagkakataon ang makapanayam ang isang tao meron na karasan sa aktual na buhay sa aming larangan napili. ang aming takdaang aralin ay lumalayon na magkaroon ng makapanayam ng isang tao nagkaroon na ng karasan pagdating saming larangan.

Nagkaroon kami pagkakataon makapanayam ang isa maari ng isang maliit na kainan o Carinderia. isa maging rason niya sa pagtatayo ng negosyon ito ay para masuportahan ang kanya pamilya. naging masaya, kapanapanabik ang aming usapan. nilahad niya mga karasan niya mula nung nagtratrabaho pa siya sa isang companya hangang nging isa may ari ng isa kainan. ang mga ibinahagi niya karanasan ay mgiging basahan namin sa pag tahak sa aming larangan.

Sa mga susunod na Araw susubukan naman namin makapayam ang isa tao meron karanasan sa isang malaki companya na hanggang ngayon nagtratrabaho parin sa company at patuloy na pinagyayaman ang kanya kaalaman sa aming larangan

Address 101

06-14-19

Unang tingin palang alam na agad natin kung para saan ang mga salita ito.

https://www.facebook.com, https://www.google.com, https://www.Instagram.com, https://www.wikipedia.org, https://www.sss.gov.ph, https://www.prc.gov.ph, http://www.oit.edu at marami pang iba pa. tama mga website ang tawag sakanila.

Website/internet address/URL para saan ba ito? diba kung meron kang gustong puntahan, pupuntahan mo, syempre kapag pupuntahan mo ang isang lugar aalamin mo yung lugar at kung nag eexist nga ba talaga ung lugar na un, at syempre meron yung address. ganun ren sa cyber meron mga kanya kanya address ang bawat site. At tulad ng ating mga address na meron parts tulad ng province, street, house no# at iba pa ganon rin ang isang website.

Ang isa web address ay binubuo ng apat na parte.

Halimbawa: https://www.facebook.com

  1. Https: or Hypertext transfer protocol tinutukoy nito na ang address na tinutukoy mu ay ginawa para sa web at maari naglalaman ng mga salita, image, sound or vidoes.
  2. www or world wide web ito na ang indication ng web.
  3. Facebook ito pangalan ng website.
  4. Domain Name Suffix ito Tumutukoy kung anu klase ng website o kanino website ito.

Mga halibawa ng domain

   .edu      -ito ang klase ng domain na tumutukoy sa edukasyon

  .com -ito pinaka-common na ginagamit ng mga tao domain, itong domain na ito ay malimit gingamit ng mga company para sa pag adverstise ng kanila product ganoon rin sa mga job posting at sa mga balita sa mundo.

.org -ang mga gumagamit nito ay ang mga organizasyon kasama  narin dito ang mga non profit organization

.net -ito domain na ito denisenyo para sa mga internet organization ngunit sa panahon ngayon marami na gumagamit dito dahil pamalit sa .com

.gov -ito ang klase ng domain para sa gobyerno.

 meron rin klase ng domain na tumutukoy ng bansa tulad ng .ph(phillipines), .sg(singapore), .jp(japan), .kr(korea), .uk(united kingdom), .ca(canada) at .us (united state). At meron domain na top level tuald ng .mil, .museum, .info at .biz.