
Unang tingin palang alam na agad natin kung para saan ang mga salita ito.
https://www.facebook.com, https://www.google.com, https://www.Instagram.com, https://www.wikipedia.org, https://www.sss.gov.ph, https://www.prc.gov.ph, http://www.oit.edu at marami pang iba pa. tama mga website ang tawag sakanila.
Website/internet address/URL para saan ba ito? diba kung meron kang gustong puntahan, pupuntahan mo, syempre kapag pupuntahan mo ang isang lugar aalamin mo yung lugar at kung nag eexist nga ba talaga ung lugar na un, at syempre meron yung address. ganun ren sa cyber meron mga kanya kanya address ang bawat site. At tulad ng ating mga address na meron parts tulad ng province, street, house no# at iba pa ganon rin ang isang website.
Ang isa web address ay binubuo ng apat na parte.
Halimbawa: https://www.facebook.com
- Https: or Hypertext transfer protocol tinutukoy nito na ang address na tinutukoy mu ay ginawa para sa web at maari naglalaman ng mga salita, image, sound or vidoes.
- www or world wide web ito na ang indication ng web.
- Facebook ito pangalan ng website.
- Domain Name Suffix ito Tumutukoy kung anu klase ng website o kanino website ito.
Mga halibawa ng domain
.edu -ito ang klase ng domain na tumutukoy sa edukasyon
.com -ito pinaka-common na ginagamit ng mga tao domain, itong domain na ito ay malimit gingamit ng mga company para sa pag adverstise ng kanila product ganoon rin sa mga job posting at sa mga balita sa mundo.
.org -ang mga gumagamit nito ay ang mga organizasyon kasama narin dito ang mga non profit organization
.net -ito domain na ito denisenyo para sa mga internet organization ngunit sa panahon ngayon marami na gumagamit dito dahil pamalit sa .com
.gov -ito ang klase ng domain para sa gobyerno.
meron rin klase ng domain na tumutukoy ng bansa tulad ng .ph(phillipines), .sg(singapore), .jp(japan), .kr(korea), .uk(united kingdom), .ca(canada) at .us (united state). At meron domain na top level tuald ng .mil, .museum, .info at .biz.